Problema ng Daet District Jail sa septic tank ng piitan, tinugunan ng lokal na pamahalaan ng Daet

CAMARINES NORTE- Tinugunan ng lokal na pamahalaan ng Daet ang problema ng Daet District jail kaugnay sa septic tank ng piitan

Base kasi sa kanilang datos, dumarami ang bilang ng PDL kung saan umabot na sa 70% ang congestion rate at sampung porsyento dito ang mga kababaihan

Dahil sa napakalaking pagtaas ng populasyon ng kulungan, naabot ng septic tank ang limitasyon nito na nagtaas ng mga alalahanin tungkol sa kalusugan at kalinisan.

Ang problema ay agad umanong binigyan ng pansin ng LGU Daet sa pamamagitan ng koordinasyon na ginawa mismo ng Jail Warden ng nasabing pasilidad

Sa loob ng apat na araw, ang mga manggagawa mula sa “Sipsip Poso Negro ay nagsagawa ng siphoning ng mga septic tank sa kulungan na pinangangasiwaan ng mga duty personnel na pinondohan ng LGU Daet na nagkakahalaga ng animnapung libong piso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *