Problema ng mga bumibili ng Repo motorcycles sa Quezon Palawan, tinalakay sa Sanggunian

Tinalakay sa nakaraang regular sesyon ng Sangguniang Bayan ng Quezon ang mga problema sa mga dokumento ng mga bumibili ng segunda-manong motorsiklo o “repo”

Ito ay bunsod ng mga reklamo na ipinapaabot sa Sanggunian ng munisipyo.

Nagkakaroon na kasi umano ng problema ang isang buyer ng motorsiklo kapag nais nya na itong apply-an ng prangkisa ang motorsiklo subalit nakapangalan pa rin ang mga O.R. at C.R. nito sa unang may ari.

Partikular umano na nagkakaroon ng problema ang mga may-ari ng pampasadang tricycle.

Samantala, inaasahan na magkakaroon pa ng pagdinig ang komite ng transportasyon tungkol sa reklamong ito sa mga susunod na araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *