Problema sa iligal na droga talamak pa rin pero gobyerno nananalo naman daw sa pagsugpo nito –  DILG PD Relucio

CAMARINES NORTE-Aminado ang Provincial Director ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lalawigan ng Camarines Norte na si LGOO VIII Melody Relucio na talamak pa rin ang problema sa iligal na droga sa ngayon.

Ito ang inihayag ng opisyal sa naging panayam ng Brigada News FM Daet nang matanong kung nasaan na ba ngayon ang gobyerno sa paglaban sa iligal na droga.

Paliwanag ni Relucio na sa kaniyang pananaw base na rin sa mga datos ay talagang talamak pa rin ang problema sa iligal na droga pero hindi naman daw nangangahulugan na bigo ang gobyerno na sugpuin ito.

Aniya kailangan talaga ang tulong ng lahat ng sektor para masugpo ang problema.

“Sa ngayon po sa aking pakiramdam, sa aking personal na view at ganun din po back up din po ito ng mga latest na apprehensions na nangyayari at yun po talagang  intensified drive natin noon sa rehabilitation eh, I think nanalo naman po ang gobyerno sa kampanya against illegal drugs pero tanggapain po talaga natin na ang problemang ito ay talamak na,” ani Relucio.

“Kung hindi po talaga tayo magtutulungan para ito ay ma- address simula po sa pinaka basic unit ng family nga natin di po talaga natin ito kakayanin, hindi po natin pwedeng i-asa ang lahat sa law enforcement at sa mga concern goverment agencie,s kaya po dito ang ginagamit nating approach ay whole of government, whole of society approach.”

Sa darating na Marso 4 ng taong kasalukuyan ay ilulunsad ng DILG sa Camarines Norte ang ‘Buhay ay Ingatan, Droga ay Ayawan’ o BIDA Program na isa sa pinakapangunahing programa ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr.

Nakatuon ang programa sa supply at demand reduction na kaiba naman sa programa ng nakaraang administrasyon na tila nakatuon lang sa sa law enforcement.

“On the part of supply reduction ito po ay focus ng ating mga law enforcement agencies pero yung demand reduction ito po supposedly ay whole of nation approach at malaki po ang papel na gagampanan ng ating community para talaga po ma discourage natin particularly ang youth on engaging and taking part sa illegal drugs.”

Ayon sa opisyal tuloy- tuloy pa rin naman ang law enforcement pero bibigyang focus umano ang information campaign.

“More po tayo ngayon sa IEC and encouraging the youth to participate in various programs rather than doing nothing and magkaroon ng inclination na magpalipas ng oras na hindi worthwhile ang kanilang mga gawain at mag- engage sa illegal drugs.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *