Problema sa produksyon ng Itlog, posibleng mas lumala pagdating ng 2023

Dahil sa pagtaas ng demand at kakulangan sa produksyon, posibleng tumaas ang presyo ng itlog.

Mula 185, aasahang tumaas ang presyo nito hanggang 210 kada tray.

Ayon kayn PHL EGG Board Assoc President Irwin Ambal, may tatlong dahilan kung bakit inaasahang tataas ang presyo ng itlog.

Una, dahil sa peak season at nalalapit na holidays.

Pangalawa, tumataas ang demand dahil sa pagkakaroon ng face-to-face classes ng mga estudyante kung saan madalas magamit ang itlog.

Pangtalo, worldwide problem talaga ang produksyon dahil sa mga sakit na maaaring makaapekto sa mga manok.

Bukod dito, paliwanag din ni Ambal na nahihirapan ang bansa na makaangkat ng tinatawag na “breeders” mula sa Europe, na siyang pangunahing source ng bansa sa mga inahing manok na nagingitlong.

Kung hindi matutugunan ang mga nasabing problema sa produksyon, posibleng mas lumala ang mga ito pagdating ng susunod na taon.//SMM
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *