Problema sa suplay ng tubig sa Barangay Poblacion, Castilla posible nang matugunan

Matutugunan na ang problema sa supply ng tubig sa Barangay Poblacion Castilla, ito’y sa oras na maiturn over na sa barangay ang solar power system na pinondohan ng isang partylist. 

Sa panayam ng Brigada News kay Barangay Captain Alex Sotto, sinabi nito na kanilang inaasahan na ang nasabing proyekto ay opisyal nang maibibigay sa kanila bago ang pagdiriwang ng Kasag Festival.

Sinabi pa ng opisyal na bagama’t hindi deretso sa mga household, malaking tulong pa rin umano ito dahil makatitipid na ang kanilang mga residente dahil hindi na bibili pa ang mga ito ng kanilang inuming tubig.

Potable water kasi ang tubig na isusuplay ng nasabing water system na mula sa isang deep well.

Dagdag pa ng nito, coastal area ang kanilang barangay kung kaya’t ang paghahanap ng malinis na water source ay talagang hindi madali. Bagama’t nagsusuplay naman umano ang water district sa bayan, subalit per oras umano ito at talagang hindi lahat ng mga household ay inaabot o nabibigyan ng tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *