Processing plant, planong itayo sa bayan ng Camalig, Albay

LEGAZPI CITY – Pinaplano ngayon na malagyan ng isang processing plant ang bayan ng Canalig, Albay, upang hindi masayang ang mga produkto na hindi nabili sa merkado publiko.

Ito ang inihayag ni Ako Bicol Party-list Executive Director, Atty. Alfredo Garbin, Jr.

Ayon sakanya, sa halip na itapon ang produkto, gagawin na lamang itong dried vegetables tulad ng langka, kamatis, okra, root crops at marami pang iba.

Malaking tulong sa mga magsasaka ang pagkakaroon ng planta sa bayan dahil mapapakinabangan pa rin ang sobrang mga produkto. Binigyang-diin nito na dapat magkaroon na ng processing plant at tamang teknolohiya upang maturuan ng proseso ang mga magsasaka sa paggawa ng dried vegetables.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *