Production loss dahil sa ASF sa So.Cot, P 280 million na; outbreak areas, umakyat na sa 4

KORONADAL CITY- UMABOT na sa P 280 million ang naitalang production loss sa hog industry ng South Cotabato bunsod ng outbreak ng African Swine Fever o ASF.

Ayon kay Provincial Veterinary Officer Dr. Flora Bigot na ito ay dahil sa mga ipinatutupad na mga restrictions sa movement ng mga baboy, depopulation at kawalan ng expansion ng swine production.

Sa ngayon, apat na mga bayan na sa probinsya ang idineklarang ASF outbreak areas o nasa red zone, ang Banga, Surallah, Norala at Tantangan.

Inihayag ni Bigot na ipinagbabawal na ang pagbiyahe ng mga baboy at pork products mula sa naturang mga lugar.

Ang mga baboy dito ay maaari lamang katayin sa mga slaughterhouses kung ito ay negatibo sa ASF testing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *