Production rate ng medical grade oxygen tank sa Isabela, nadagdagan ng halos 50%

Nadagdagan ng halos 50% ang production rate ng Medical Grade Oxygen (MGO) tank sa lalawigan ng Isabela ngunit hindi naman umano maapektuhan ang pagtugon ng mga supplier ng MGO sa pangangailangan ng mga hospital.

Ito ay batay sa ulat ng pinakamalaking supplier ng MGO sa lalawigan matapos ang isinagawang masusing monitoring ng Department of Trade and Industry Isabela Consumer Protection Division sa Ramon, Cauayan City at Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, isinasagawa ng ahensya ang pagbabantay sa suplay ng oxygen tanks sa iba’t ibang bayan at siyudad sa lalawigan bilang pagtugon sa inaasahang pagtaas ng demand nito kasabay ng paglobo ng naitatalang kaso ng COVID-19.

Kasabay ng naturang aktibidad, nagtungo rin ang DTI-Isabela CPD sa bayan ng Ramon at Alicia, Isabela upang ipaalala ang pagsunod ng mga negosyante sa Fair-trade Laws.

Kaugnay dito, nasa 20 ng establisyimento na kinabibilangan ng mga mga retail stores, hardware stores, at repair shop ang dumaan sa inspeksyon ng ahensiya kung saan napatunayang sumusunod naman ang mga ito sa panuntunan ng DTI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *