Productivity olympic 2023, ikinasa ng RTWPB region 3

Ikinasa na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB sa Region 3 ang kanilang Productivity Olympic 2023.

Nitong Byernes nang isagawa ang Kick-off ceremony para sa naturang programa na may temang From Thriving to Striving: Reset and Reposition for Impact.

Pasok sa productivity Olympic ang mga Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs na registered ang negosyo sa Department of Trade and Industry, Cooperative Development Authority, o di kaya’y sa Security and Exchange Commission.

Ayon kay Roberto Torres, and Senior Labor and Employment Officer ng RTWPB Region3, ang deadline para sa submission ng mga nais sumali ay hanggang May 31.

Sa June 8-9 naman isasagawa ang screening, kung saan pipili ng magiging winner na ilalaban para sa national competition.

May cash prize at trophy na nag aantay para sa itatanghal na winner.

Layon ng Olympics na maibahagi ng mga MSMEs ang kanilang mga best practices o productivity scheme.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *