Produksyon ng palay at mais sa Camarines Norte bumaba noong 2022

CAMARINES NORTE- Bumaba ang produksyon ng pangunahing agricultural  products sa Camarines Norte noong 2022 partikular ang palay at mais.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas noong nakaraang linggo, mula Enero hanggang Disyembre 2022 ay bumaba ng 5.59 % ang palay production.

Ang kabuuang produksyon ng palay sa nabanggit na panahon ay tinatayang nasa 109, 792. 43 metric tons o mas mababa sa 116,292.36 sa kaparehong panahon noong 2021.

Ang palay production output para sa taong 2022 na nanggaling sa irrigated farms ay 67.09 % share habang 32.91 % naman mula sa rainfed farms.

Umaabot naman sa 2,273.30 metric tons  ang produksyon ng mais noong 2022.

Bumaba ito ng 2.42 % sa 2,329. 65 metric tons sa kaparehong panahon noong isang taon.

Nasa 67.40 % sa total corn output sa lalawigan noong 2022 ang white corn habang 32.60 % naman ay yellow corn.

Hindi naman nabanggit sa report kung ano ang dahilan ng pagbaba ng produskyon ng mga nabanggit na agricultural products.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *