Produksyon ng palay at mais sa Camarines Norte bumagsak sa second quarter ng 2022- PSA

CAMARINES NORTE- Hindi lumago ang sektor ng agrikultura sa Camarines Norte sa ikalawang quarter ng taong 2022 matapos bumaba ang production rate partikular sa palay at mais.

Batay ito sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ipinalabas noong Oktubre 26.

Mula Abril hanggang Hunyo naitala ang tinatayang 24, 035 metric tons volume of production na mas mababa ng 6. 58 percent sa 25, 732 metric tons sa kaparehong panahon noong isang taon.

Nasa 76. 0 percent ng palay production output sa naturang quarter ay mula sa irrigated farms habang 24. 0 percent naman sa rainfed farms.

Bumaba rin ang produksyon ng mais  ng nasa 30. 99 percent makaraang maitala ang 592 metric tons  na harvest kumpara sa 858 metric tons sa kaparehong panahon noong isang taon.

Nasa 82. 0 percent ng total corn output sa lalawigan ay white corn production habang 18 percent ay yellow corn.

Ang palay and corn production ay isang quarterly agricultural surveys.

Hindi nabanggit sa report ng PSA kung ano ang pangunahing sanhi ng pagbaba ng produksyonng mais at palay sa nabanggit na panahon.

Magsisilbi namang mahalagang input ang resulta ng survey  sa pagbalangkas ng mga polisiya at programa para mapataas ang produksyon ng palay at mais.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *