Produkto ng mga magsasaka, tampok sa paglulunsad ng Sunday Market ng Municipal Agriculture Office ng bayan ng Daet

CAMARINES NORTE- Tampok ang mga produkto ng magsasaka sa inilunsad ng Municipal Agriculture Office ng bayan ng Daet na Sunday market.

Ito ay makikita sa harapan ng SM City Daet at bukas tuwing araw ng linggo, alas siete ng umaga hanggang alas dos ng hapon.

Ayon kay OIC. Municipal Agriculturist Dr. Reuben P. Naperi, tampok dito ang mga sariwang prutas at gulay na ani ng mga magsasaka.

At para naman sa mga magsasakang gustong magtinda ng kanilang mga aning gulay at prutas maaari umanong makipag-ugnayan sa kabalikat sa kabuhayan.

Bukod pa dito, nakapaglunsad na rin umano sila ng ika-4 na “Oh my gulay” challenge na isang season long competition na nilahukan ng 81 backyard raisers. Linggo-linggo namang may training sa Municipal Farm sa Barangay Camambugan na kayang mag accommodate ng 30 hanggang 40 katao.

Mayroon ding training sa asawa ng mga mangingisda sa April 20 kung saan ay tuturuan ang mga babae na  mag proseso ng mga huling isda at lagyan ng addictional value.

Sa mga susunod na linggo magkakaroon din ng livestock training seminar, refresher training sa mga bantay dagat, pati na ang mga nagtatanim ng pinya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *