Programa para tugunan ang problema sa stunting mahalagang mapagtuunan ng pansin ayon sa PHO

CAMARINES NORTE- Iginiit ng Provincial Health Office (PHO) na mahalagang mapagtuunan ng pansin ang problema ng bansa sa stunting.

Ayon kay Camarines Norte  Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco bagamat tuloy- tuloy naman at maganda sa ngayon ang programa ng probinsiya kontra stunting o pagkabansot ay nananatiling problema pa rin ito sa buong bansa.

Kaya naman mahalaga umanong mapagtutuunan ng pansin ang kalusugan ng mga babae sa kanilang pagdadalangtao pa lamang.

Mayroon na umanong batas patungkol dito tulad ng mag Nanay Act kung saan pinagtutunang pansin ang first 1,000 days o ang kahalagahan ng pangangalaga sa bata mula sa sinapupunan hanggang pagsapit ng dalawang taong gulang.

Binigyang diin naman ni Francisco na malaki ang kinalaman ng pagkabansot sa productivity ng isang tao.

Dahil daw kasi sa pagkabansot ay may mga hindi nakakapagtapos ng pag- aaral na kalaunan ay nagiging problema ng bansa.

Sa ginawang pag- aaral noong 2017 ng international organization na Save the Children nasa ika-96 ang bansa sa listahan ng  end-of-childhood index rankings.

Ika-9 ang Pilipinas sa sampung bansa na may pinakamaraming bansot o stunted sa edad lima pababa.

Lumalabas sa datos ng 2015 Food and Nutrition Research Institute (FNRI) na stunted o bansot ang 3 sa 10 bata sa bansa.

Sinabi naman ni DOH OIC Secretary Maria Rosario Vergeire noong Marso na nasa P10 billion pondo ang inilaan ng national government para tugunan ang problema ng malnutrisyon sa bansa.

Ngayong umaga ay isang advocacy campaign  ang gagawin ng Brigada News FM Daet na naglalayong tuldukan ang problema sa stunting.

Gagawin ito sa SM City Daet katuwang ang PHO na dadaluhan ng hindi bababa sa 50 mga nanay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *