CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng inspeksyon at pagbisita ang Project Development and Management Unit (PDMU) sa limang barangay sa bayan ng Labo sa Camarines Norte.
Ang nasabing inspeksyon at pagbisita sa limang barangay sa nasabing bayan ay para sa iminumungkahing Support to the Barangay Development Program o SBDP projects ng DILG.
Ngayong taon ay walong proyekto ang maaaring mapondohan sa iba’t-ibang barangay sa Bayan ng Labo, una na rito ang Farm-to-Market Road sa Brgy. Bagong Silang I, pangalawa ang Rehabilitation of Health Center sa Brgy. Malangcao-Basud, pangatlo ang Concreting of Farm-to-Market Road sa kaparehong barangay, pang-apat ang Installation of Solar Street Lights at pang-lima ang Concreting of Farm-to-Market Road sa Brgy. Matanlang at Brgy. Mahawan-hawan, pang-anim ang Installation of Solar Street Lights sa Brgy. Talobatib, at ang pang pito ay ang Concreting of Farm-to-Market Road sa kaparehong barangay.
Ayon sa ahensya, ang mga nabanggit na proyekto ay kabilang sa labing-isa na bibigyan ng pondo sa ilalim ng SBDP sa pitong barangay sa bayan ng Labo.
Ipapatupad ang proyektong ito kapag ang Notice to Debit Account Issued ay nailabas mula sa Bureau of Treasury. Ang proyektong ito ay isa sa mga prayoridad ng ahensya at layunin nito ang magbigay ng mga serbisyo at tulong sa mga mamamayan sa mga naturang barangay na kung saan naging apektado ito sa hidwaan sa pagitan ng CPP-NPA terrorists at ng pamahalaan.
