Inilunsad ang proyektong Sustaining our Advocacy to Grind Insurgency in the Province o Project SAGIP ng Cauayan City Police station katuwang ang Cauayan City Coalition Advocacy Group at KKDAT na ginanap sa Brgy. Maligaya, Cauayan City.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, sa naturang aktibidad itinatag ang ELCAC help desk sa 16 na barangay sa Forest Region na babantayan ng mga pulis sa barangay o PSB.
Ang mga PSB ang siyang magsasagawa ng monitoring, magsisilbi at haharap sa mga pangangailangan at concerns ng mga sumukong Communist Terrorist Group, mga CTG supporter at mga gusto pang sumuko sa pamahalaan.
Pangunahing layunin ng naturang proyekto na magkaroon ng pagkakaunawaan at kooperasyon ng komunidad partikular ang mga CTG upang maipahatid ang mga programa ng pamahalaan at mawakasan na ang insurhensiya.