Project signing ng pamahalaang panlalawigan ng Albay para sa ABC+, isinagawa

LEGAZPI CITY – Pinirmahan na ni Albay Gov. Edcel “Grex” Lagman ang Advancing Basic Education in the Philippines Project o ABC+ para sa lalawigan ng Albay.

Sa nasabing aktibidad, isa ang Albay sa mga napiling lalawigan na lalahok at makikiisa sa proyekto.

Ayon sa gobernador, ang ABC+ ay isa sa mga planong ipatupad ng pamahalaan sa lugar upang mapagtuunan nang mabuti at matugunan ang edukasyon partikular na ang reading comprehension ng mga mag-aaral sa elementarya.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon na ngayon ng Education Sector Mechanism (ESM) isang programa kung saan ang mga napiling LGU ay mabibigyan ng pagkakataong ilatag ang kanilang strategic plans at intervention para sa pagsuporta nito sa basic education ng kanilang mga lugar.

Samantala, ang proyektong ito ay makikipagtulungan sa iba’t ibang pribadong sektor kasama na ang USAID at Department of Education. | REGINA APINADO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *