Project VIBES ng PNP Cauayan City, Isinusulong

Isinusulong ngayon ng Cauayan City Police Station ang Project Vibes o Virtual Bisita Eskwela I am Strong katuwang ang KKDAT at pulis sa barangay na una nang inilunsad noong April 26,2021.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLT. Scarlette Topinio, ang tagapasalita ng PNP Cauayan City , target ng istasyon ang mga grade school student at kabataan sa lunsod ng Cauayan.

Aniya, sa unang aktibidad ay lumahok ang mga grade school mula sa Brgy. San Pablo at Brgy. Labinab habang patuloy naman ang koordinasyon ng kapulisan sa iba pang barangay officials upang isagawa ang parehong aktibidad.

Dagdag pa ni PLt. Topinio, layunin ng nasabing proyekto na bigyang kaalaman ang mga mag-aaral o kabataan sa kanilang karapatan.

Ilan sa ipinaliwanag ay ang mga batas ukol sa pang-aabuso, anti-bullying at online sexual exploitation upang maging aware ang mga kabataan sa naturang mga krimen.

Hinikayat naman ni PLT. Topinio ang suporta ng mamamayan sa mga proyektong isinusulong ngayon ng kapulisan upang mapanatili ang kaayusan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *