Projection ng Analytics group sa COVID-cases sa Naga City nangyari; pagbabalik sa MGCQ pormal na hiniling sa NIATF

NAGA CITY-Nangyari ang projection ng Health Emergency Response Task Force  (HERTF) Analytics Group katuwang ang Institute for Environmental Conservation and Research (INECAR) ng Ateneo De Naga University na bababa ang kaso ng COVID-19 sa Naga noong nagdaang  linggo , kasunod ng pinalawig na Modified  Enhanced Community Quarantine o MECQ.

Una nang sinabi ni Mr. Willy Prilles na kung 20-25 na lamang ang kaso at hindi na aabot sa 31 pataas bawat araw maaari nang maibaba o gumaan ang quarantine classification ng lungsod.

Sa tala ng HERTF, sa nakalipas na 19 araw (June 20-July 8) ang two week growth ng Naga ay zero o di naman ay negative number. Mula naman June 27- July 8 single digit na lamang ang daily attack rate. Sa simpleng salita nitong nagdaang Linggo malayo na sa 31 ang single day COVID-cases.  Naitatalaa ang 26, 13, 12, 10, 9 at 6.

Bukod dito ay  tumaas din ang bed capacity ng lungsod.

Kaya naman hinihiling ngayon sa National Inter-Agency Task Force na ibaba sa Modified General Community Quarantine o MGCQ ang klasipikasyon sa lungsod. Idinaan ito sa sulat address kang NIATF Chair DOH Sec. Francisco Duque III.

Sa pahayag sa pamamagitan ng CEPPIO ni Committee on Investment, Trade, Industry and Economic Enterprises Chair Coun. Joe Perez sinabing daan ito upang makabawi maging ang maliliit na mga negosyante at makabalik na rin sa trabaho ang  mga non- essential workers. Ginagawa aniya ng LGU ang lahat upang bumaba ang kaso kaya sana mapagbigyan ng NIATF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *