Promotive at preventive side pinaigting ng PHO at DOH para maiwasan ang congestion sa mga ospital

CAMARINES NORTE- Pinaigting umano ng Provincial Health Office (PHO) at Department of Health (DOH) ang “promotive” at “preventive” side sa pagtugon sa iba’t- ibang uri ng sakit upang maiwasan ang congestion sa mga ospital.

Isa umano sa programa ngayon ng DOH ay ang Community- Based House-to-House Mass Philpen Risk Assessment na nagsimula noong Marso 1 na tatagal hanggang sa katapusan ng buwan.

Layon ng assessment na maiwasan, maagapan at mabigyan ng maagang atensyong medikal ang mga sakit na nauugnay sa pang- araw araw na pamumuhay na maaaring maiwasan tulad ng Hypertension, Diabetes, Kanser at sakit sa puso.

Ayon kay Provincial  Health Officer Dr. Arnel Francisco nagbabahay- bahay ang mga health worker at nililista ang mga pasyente na mayroon ng mga nabanggit na sakit para mabigyan ng maintenance na gamot o kung hindi man ay laboratory services.

Binigyang diin ni Francisco na pinapalakas ang promotive at preventive side dahil ito naman talaga aniya ang layunin ng Universal Health Care law.

Mas mainam umano kung maagapan ang pagkakasakit para hindi na mapunta sa “curative” side kung saan mayroon nang gastos at nagiging dahilan pa ng congestion sa mga ospital.

Ayon naman sa Philippine Health Insurance Corporation ito rin naman daw talaga ang “essence” ng kanilang Konsulta pacakage.

Sa isinagawang Health Summit noong Biyernes, sinabi ni Regional Vice President Henry Almanon na mayroon silang panawagan sa mga Rural Health Unit na magpa-accredit sa Philhealth upang makakuha ng reimbursement sa iba’t- ibang health services.

Malaking tulong umano ang financial support sa mga RHU na manggagaling sa Philhealth.

Tiniyak rin ng ahensiya na kanilang uunahing i-capacitate at gawing available ang lahat ng primary care services na kanilang nire-require sa mga health providers upang makakakuha ng reimbursement lalo’t malaki na raw ang ibinibigay ngayon ng state health insurance kumpara noon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *