Proposal sa Special Economic Zone sa Naga City nasa opisina na ni Pangulong  Marcos Jr.

NAGA CITY – Kinumpirma ni City Mayor Nelson Legacion na nakarating na sa opisina ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proposal ng City Government na magkaroon ng Special Economic Zone na nakatakdang itayo sa 25 ektaryang lupain sa barangay Carolina.

Ayon sa alkalde, bagamat hindi pa aprubado ng pangulo,  ang mahalaga aniya ay nasa mesa niya na ito at pinag-aralan na rin tulad ng iba pang mga kaparehong proposal galing sa iba pang mga lokal na pamahalaan.

Sa pahayag ni Legacion, sinabi nito na kabilang ito sa inilatag niyang projects kay PBBM ng bumisita ito noong isang lingo sa ginawang ground breaking ceremony sa itatayong Legacy Residences na bahagi din ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Project sa Balatas Development Area.

Sa naging pag-uusap nila ng Pangulo ay nabanggit din nito na limang mga LGUs sa bansa ang may proposal ding tulad nito na pending pa rin.

Bukod pa diyan may mga proposal ding nasa Department of Trade and Industry na under study pa rin kung papayagan o hindi.

Tiniyak ni Legacion na patuloy silang gagawa ng iba pang mga hakbang para magkaroon ng Special Economic Zone ang Naga City sa suporta ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *