Proposed ordinance na mag oobliga sa mga may ari ng resort sa bayan ng Basud na magkaroon ng lifeguard pinababago ang titulo

CAMARINES NORTE- Inirekomenda ng Committee on Tourism ng Sangguniang Bayan na baguhin ang titulo ng panukalang ordinansa na mag oobliga sa may ari ng resort na magkaroon ng lifeguard.

Sa halip na “An Ordinance requiring proprietors, managers and operators of swimming resorts and beach resorts to employ lifeguards for the safety and protection of bathers and swimmers and imposing a penalty for violation thereof,” inirekomenda ng komite na gawin itong “An Ordinance regulating the operations of swimming resorts and beach resorts for the safety and protection of bathers and swimmers and imposing fines and penalties for violation thereof.”

Batay findings ng komite ang pagre- require ng lifeguard ay dati nang standard requirements para sa operation at maintenance ng tourism establishments alinsunod sa Article VIII ng Tourism Code ng LGU.

Dumarami rin umano ang unaccredited swimming at beach resorts ng Department of Tourism sa naturang bayan.

Mababatid na sa ilalim ng panukalang ordinansa ni Coun. Shaina Jules Lopez, pinatitiyak na dapat ay may naka- duty na certified lifeguard sa buong operation hours ng establishment.

Dapat ding may sapat na bilang ng life jacket o life saving devices ang resort.

Ito umano ay upang maiwasan ang mga insidente ng pagkakalunod kaya mahalagang magkaroon ng professional at certified lifeguards sa mga beach resort.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *