Protesta kontra pagmimina, ikinasa sa bayan ng Brooke’s Point

Sumugod ang mga residente, grupo ng magsasaka, kababaehan at kabataan sa harap ng munisipyo ng Brooke’s Point ngayong umaga ng Lunes.

Dala-dala nila ang placards na may nakalagay na mensahe kaugnay sa pagtutol nila sa operasyon ng mina sa munisipyo.

Kasama nila ang mga environmentalist, NGO at taong simbahan.

Kaugnay nito ay hindi hinarap ng alkalde ng bayan ang mga raliyesta dahil sa pagiging abala umano nito ngayong araw.

Ipinananawagan kasi ng mga residente na huwag pahintulotan ng lokal na pamahalaan ang operasyon ng mina sa kanilang lugar partikular sa Barangay Ipilan dahil sa hindi magandang epekto sa kalikasan at kanilang hanapbuhay.

Samantala, kamakailan ay nagkaroon din ng rally sa munisipyo ang mga residente pero ito ay naging maaayos at organisado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *