Prov. Gov’t at opisina ni Cong. JCA, nagpaimbestiga sa umano’y  anomalya sa TUPAD program

Nagpapaimbestiga na rin ang Pamahalang Panlalawigan at ang opisina ni Cong. JCA sa isyu ng umano’y anomalya sa TUPAD program ng Department of Labor & Employment.

Ayon kay dating Board Member Richcristopher “Payging” Magbanua, nais nilang malaman kung sino ang totoong nakikihati sa benepisyong tinanggap ng TUPAD beneficiaries.

Nakakalungkot aniya na ang tulong ng gobyerno na sa halip buong mapakinabangan ng mahihirap ay may nakikihati pa na kung sinu-sino.

Kaugnay nito, sa TUPAD orientation ay maayos na ipinaliliwanag ng DOLE sa beneficiaries ang halagang matatanggap nila at iba pa.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ang nagpasa ng listahan ng beneficiaries at ang DOLE Palawan ang nag-validate kung sino ang karapat-dapat na mapabilang.

Gayunpaman, pinayuhan ni Magbanua ang mga Palaweñong benepisyaryo na huwag magpapaloko sa mga nakikihati sa tulong ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *