Province-wide clean up drive ginagawa sa Camarines Sur ngayon; kaso ng dengue umabot sa 364 mula enero

NAGA CITY- Umabot sa 364 ang kaso ng Dengue virus at Japanese Encephalitis ang nairecord sa lalawigan ng Camarines Sur mula Enero hanggang nitong Hunyo 18, 2022.

Kaya naman nagpalabas ng memorandum si Governor Migz Villafuerte base na rin sa pag-uusap ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council  (PDRRMC) na magkaroon ng Province-wide clean up drive ngayong Biyernes Hunyo 24, 2022, simula kaninang umaga kanya-kanyang linis ang mga bayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Department of Health Camarines Sur Officer Dr. Rey Millena, sinabing endemic ang dengue dumarami kapag naisasantabi ang pag-iingat.

Aniya nararapat naman talaga ang hakbang na ito ng provincial government , kung pwede nga aniya dapat dalawang beses sa isang linggo.

Nakita naman ni Millena na mas mataas ang kaso ngayong 2022 kumpara sa kasagsagan ng pandemya dahil mas marami ang nakakagalaw ngayon sa labas ng mga tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.