Provincial board, pinag-aaralan kung saan kukunin ang bonus ng contractual workers

Pinag-aaralan na ngayon ng Provincial Board ang posibleng pagkunan ng pondo para sa bonus ng mga contractual workers ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon sa Chairman ng Committee on Appropriations na si Board Member Juan Antonio Alvarez, sinusuri pa nila kung saan ang pwedeng pagkunan nito tulad na lamang ng savings o di kaya sa mga inilaang pundo mula sa proyekto na hindi nagamit.

Sa ngayon ay wala pa siyang ideya kung magkano ang posibleng matanggap ng mga contractual workers, subalit noong nakalipas na taon ay nakatanggap ng ₱3,000.00 ang mga nakapagserbisyo ng mababa sa anim na buwan habang ₱5,000.00 naman sa mga nakapagserbisyo ng mahigit anim na buwan.

Dagdag pa ni BM Alvarez, may posibilidad na maitaas pa ang maibibigay na bonus basta’t mayroon lamang mapagkukunan ng sapat na pondo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *