Local News

Provincial director ng CNPPO may paalala matapos  matagumpay na operasyon ng SACLEO sa ibat- ibang bayan sa probinsya

CAMARINES NORTE – Matagumpay ang naging operasyon sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) sa lalawigan ng Camarines Norte nitong Enero 23-29, ng taong kasalukuyan

Dalampung (20) akusado sa iba’t ibang krimen ang nadakip ng mga kapulisan ng Camarines Norte sa pangunguna ni Pcol. Antonio C. Bilon Jr., Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial Office

Ang mga nadakip ay may kasong Rape in relation to RA 7610, pag labag sa City Ordinance No. 730 S-2019, Estafa in Relation to RA 10175, Child Abuse in relation to Sec. 6, RA 10175, Violation of Social Security Act of 2018 in relation to 8282, Frustrated Homicide, Murder, Acts of Lasciviousness, Grave threats (RPC Art 282), Coconut Prevention Act, at Kidnapping in Relation to 7610.

Samantala, pinuri naman ni Pcol. Bilon Jr., ang mga kapulisan dahil umano sakanilang dedikasyon upang mahuli ang mga most wanted persons ng probinsiya. Aniya, ang isinagawang SACLEO ay nag lalayong panatilihing ligtas ang Camarines Norte at magapi ang mga nag tatago sa batas.

Patuloy din ang kaniyang panawagan na mag tulungan ang lahat upang mapanatiling payapa ang lalawigan. Kung may impormasyong alam tungkol sa mga illegal na gawain at nagtatago sa batas, ay agad itong ipag bigay alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago