Provincial Government, naghahanda na sa pamamahagi ng fertilizer discount voucher sa mga palay farmers sa zambales

Inaantay na lang ng provincial government ang go signal ng Department of Agriculture kung kailan uumpisahang ang papamahagi ng fertilizer discount voucher sa mga magsasaka ng Zambales.

Ito ay dahil inaayos pa ng DA kung sinu-sino sa mga merchants o negosyante ng abono ang gagawing accredited para pagbilhan ng abono ng mga magsasaka gamit ang discount.

Ayon kay Provincial Agriculturist Cris Rabaca, anim na libong piso ang halaga ng bawat voucher na ipapamagi sa mga benipisyaryo at inaasahang sapat lang na makabili ng dalawat kalahating sako ng abono.

Bagamat may tulong ang national government sa mga magsasaka, aminado si Rabaca na hindi ito ang pangmatagalan solusyon para makabangon ang industriya ng pagsasaka ng palay sa bansa.//Christian ANdres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *