Provincial IMT nagtalaga na ng Rapid Antigen Testing Center sa mga border checkpoint ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- May itinalaga ng testing center sa mga border checkpoint ng Tuaca Basud at Tabugon Sta. Elena ang Provincial Incident Management Team

Ito’y kasunod na pagpupulong sa isinagawang operational briefing na sinumang papasok ng Camarines Norte ay obligadong magprisinta ng negatibong resulta ng Rapid Antigen Test mula sa lugar na pinanggalingan nila

At kung wala naman maipiprisintang Negatibong resulta ay isasailalim ito sa antigen test sa itinalagang testing center na mayroong bayad na P800.00

Layon nito na mas pagibayuhin pa ang pagbabantay sa mga border checkpoints.

Bunsod na rin ito ng natuklang pekeng negative rapid antigen test na ipinrisinta nito lamang nakatalikod na linggo

Kung kaya’t kahit may approved  nang Online Traval Pass Application, susuriin na rin ang validity ng rapid antigen test

Ang Camarines Norte ay nakakapagtala na ng dalawang beses na daily record high mula ng magsimula ang pandemya kung saan 45 new cases ang naitala kahapon, pumangalawa sa may pinakamarami sa buong Rehiyong Bicol

Naungusan na rin nito ang Catanduanes matapos makapagtala ng kabuuang bilang na 273 cases kumpara sa 257 ng naturang lalawigan

Bunsod ng pagpalo ng mga kaso, may ilang mga bayan na rin ang nagpapatupad ng granular lockdown

Leave a Reply

Your email address will not be published.