Provincial veterinary office, tiniyak na ‘masuwerte’ umano ang mga hayop sa Wild Life kahit pa may banta ng El Niño

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Albay Provincial Veterinary Office na masuwerte umano ang mga hayop na nasa Albay Park and Wildlife kahit pa mayroong banta o posibilidad ng El Niño sa bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Provincial Veterinarian, Dr. Pancho Mella, sinabi niya na mayroong permanenteng shelter o natutuluyan ang mga hayop sa nasabing pasyalan, bagay na mahalaga lalo na ngayong mainit ang panahon at madalas pang mapabilang ang Legazpi City sa mga may matataas na heat index sa bansa.

Aniya, mayroon namang budget na inilalaan at hinding-hindi magkukulang para sa mga pagkain ng mga hayop at tubig.

Huwag lamang umanong magkaroon ng problema sa source ng tubig sa lunsod, sapagkat, sa oras na magkaroon ng problema pagdating dito, tiyak na maaapektuhang lubos ang mga hayop.

Ayon sa kanya, bahagi pa ang nasabing pasyalan sa tinututukan ng kanilang tanggapan, lalo na sa mga isinasagawa nilang hakbang sa paghahanda para sa paparating na El Niño.

Samantala, ginagawa naman nila umano ang lahat upang hindi magkaroon ng large scale fatality sa mga hayop, subalit kumpyansa naman siyang hindi mangyayari ang ganitong bagay dahil sakanilang mga paghahanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *