Provincial wide curfew sa Negros Oriental para sa BSKE, sisimulan nang ipatupad mamayang gabi

Sisimulan nang ipatupad mamayang gabi ang provincial wide curfew sa Negros Oriental kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Batay sa resolusyon ng Special Task Force Negros Oriental, iiral ang curfew simula alas-10 ng gabi mamaya hanggang alas-4:00 ng umaga ng October 29 ito’y upang maiwasan ang karahasan at vote buying.

Saklaw ng utos ang lahat ng edad ngunit exempted ang mga nagtatrabaho sa call center, pulis, militar at iba pang kahalintulad na trabaho.

Kailangan lang magpakita ang mga ito ng patunay tulad ng ID’s o employment shift certificate sa mga inilatag na checkpoints.

Maalalang isinailalim mula noong Agosto sa full COMELEC control ang Negros Oriental upang masiguro ang kapayapaan ng Barangay elections at maiwasan ang pagkakaroon ng mga madugong insidente pagkalipas ng pagpatay kay Gov. Roel Degamo noong buwan ng Marso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *