Local News

Prov’l Council ng Masbate, nagpahayag ng pagtutol sa iminumungkahing ‘exploration’ ng FRC sa bayan ng Uson

Kinuwestyon sa Committee Hearing ng Sang. Panlalawigan, na pinamumunuan ng Committee on Environment ang Natural Resources ang pagtatangka ng Filminera na humingi ng exploration permit sa mga Brgy ng Armenia, Bonifacio, Centro, Marcella, Simawa, San jose at San Ramon sa ilalim ng hurisdiksyon ng munisipyo ng Uson.

Sa isinagawang Committee Hearing, inulan ng ibat-ibang katanungan ang kinatawan ng FRC.

Nagdulot ng debate ang nasabing kahilingan ng FRC na payagan silang magsagawa ng nasabing bexploration sa 7 barangays sa Uson.

Iginiit kasi ng mga kinatawan ng SP ang magiging epekto nito sa kalikasan lalo na sa mga taong maaapektuhan.

Inihalimbawa nila ang malawakang pagkasira ng kalikasan sa bayan ng Aroroy, na hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik ang kabundukan nito sa dati nilang estado.

Binigyan diin din ng Konseho na kapag umuulan ay apektado ng baha ang ilang komunidad sa uson, mas nakakaalarma aniya kapag nawasak ang mga bundok dito.

Sa tinapos na argumento tungkol sa nasabing panukala, malinaw na hindi sang-ayon ang local na pamahalaan ng lalawigan sa panukala ng FRC.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago