Proyekto ng Primewater na magdaragdag sa capacity ng Dagotdotan Filtration Facility masusubukan pagsapit ng panahon ng tag ulan

CAMARINES NORTE- Inihayag ng pamunuan ng Primewater Camarines Norte na nai- award na sa contractor ang kontrata para sa gagawing Pre- treatment project sa Dagotdotan Filtration Facility (DFF)  na siyang solusyon sa problema sa tubig ng mga taga Basud, Mercedes, Daet South at bahagi ng Daet North kapag malakas ang ulan.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Primewater Branch Manager Engr. Mark Anthony Muroda na inaasahan nila na sa buwan ng Hunyo ay sisimulan na ng contractor ang proyekto.

Mababatid na paulit- ulit  na lang ang problema ng mga kunsomidores sa mga nabanggit na service area kapag umuulan ng malakas  dahil hindi kaya ng planta ang mataas na paglabo ng Mampurog river kaya naman hindi ma- operate ang Uf Filtration.

Kahapon lang ay naglabas ng advisory ang Primewater na makakaranas ng mahinang pressure hanggang sa pagkawala ng tubig sa mga nabanggit na lugar dahil sa mataas na namang turbidity level sa Mampurog River.

Ayon kay Muroda masusubukan ang Pre- treatment project pagsapit ng panahon ng tag- ulan at doon pa lang umano malalaman kung epektibo ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *