PRRD aapela sa kaibigang si Putin, na kontrolin ang mga sundalo sa Ukraine

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na aapela sa kanyang kaibigang si Russian President Vladimir Putin, na kontrolin ang kanyang mga sundalo na inakusahan ng mga human rights violation at war crimes sa kanilang pagsalakay sa Ukraine.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang lingguhang “Talk to the People” briefing habang pinag-uusapan  ang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa digmaang Russia-Ukraine.

Ayon kay Pangulong Duterte, tila walang intensyon si Putin na wakasan ang labanan, ngunit sinabi niya na sa ngalan ng ‘humanity’ hihilingin niya kay Putin na kontrolin ang kanyang mga sundalo lalo’t maraming sibilyan ang nadadamay sa giyera.

Nilinaw naman ng punong ehekutibo na bagaman hindi niya gusto ang isang away kay Putin, sinabi nitong nag-aalala lamang siya tungkol sa epekto ng digmaan at ang bilang ng mga inosenteng na napatay.

“Kung narinig sana ako ng Russian Embassy, sabihin nila doon kay Putin na, nagsalita ‘yung kaibigan mo, si ano. Paalis na pagka-Presidente pero humihirit pa rin in the name of humanity” saad ng Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *