PRRD balak dumalo sa international climate change forum bago bumaba sa pwesto                  

Balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa susunod na international climate change forum sakaling magkaroon ng bago matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30.

Sa kanyang lingguhang Talk to the People ito umano ay dahil patuloy na pagbabalewala ng mayayamang bansa sa kanilang mga pangako.

Nais umano ng Pangulo na sabihin sa mga maunlad na bansa na tuparin ang kanilang mga sinasabi na bawasan ang carbon footprint.

Binigyan diin ng Presidente na tila nagiging lip service lang ang pangako ng mga mayayamang bansa at hindi naman binibigyan ng halaga ang commitment ng mga ito sa paglaban sa climate change.

Kung matutuloy, ito ang unang pagkakataon sa kanyang termino na dadalo si Pangulong Duterte sa isang international climate change forum.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *