PRRD, binatikos muli ang mga human rights groups; Bansa, nakinabang sa war on drugs ayon sa Pangulo

Muling binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga human rights groups sa gitna ng kaniyang pagpresenta sa detalye ng anti-drug operations na isinagawa ng mga otoridad.

Sinabi ng Pangulo pagkatapos ng presentation na may kinalaman sa pagkamatay ng drug suspects sa operasyon na hindi naman siya ang nakikinabang mula sa pagkamatay ng mga sangkot sa ilegal na droga.

Dagdag ng Punong Ehekutibo, ang mga Pilipino ang nakinabang sa pagkamatay ng drug suspects habang ang buhay niya at ng kaniyang mga kaanak ang nalagay sa alanganin.

Ipinaliwanag ng Pangulo na inaasahan na nito ang paghihiganti ng mga drug suspects.

Samantala, binigyang diin naman ng Pangulo na hindi ito magpapartisipa sa isasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court sa sitwasyon ng human rights sa bansa

Iginiit ng Pangulo na hindi siya pupunta sa Netherlands para  sa paglilitis ng kaniyang mga kaso.

Nagbabala naman ang Pangulo na uunahan niya ang mga kawani ng ICC sakaling makita niya ang mga ito na nasa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *