PRRD bumwelta kay Pacquiao matapos ang ‘corruption’ comment vs administrasyon

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao na pangalanan ang mga kilala nitong kurap na opisyal ng pamahalaan.

Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos na hindi magustuhan ang naging pahayag ng senador na nag-triple umano ang kurapsiyon sa kanyang administrasyon.

Sa kanyang lingguhan ‘talk to the nation address’ nagbabala ang Pangulo kay Pacquiao na mangangampanya laban sa mambabatas kung hindi nito mapapatunayan ang mga alegasyon at sasabihin sa mga tao na sinungaling ito.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte handa siyang kalabanin si Pacquiao sa darating na halalan.

“If you fail to do that, I will campaign against you because you’re not doing your duty. Do it. If not, I will just tell the people, ‘Do not vote for Pacquiao because he is a liar,'” saad pa ng Pangulo.

Binira din ng Punong ehekutibo ang sinabi ni Pacquiao na kaya nitong bigyan lahat ng pabahay ang mga Pilipino kapag siya ang naging pangulo kasabay ng pagsasabing ‘good luck na lang’ at marahil ay nanaginip ng gising ang pambansang kamao.

“And for your dream of giving everybody houses in six years time, just like what Senator Enrile said, good luck na lang. You must be dreaming,” dagdag pa ng Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *