PRRD, gustong bumisita sa US para magpasalamat

Nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ng kagustuhan nito na magtungo sa Estados Unidos para magpasalamat sa milyon-milyong suplay ng COVID-19 vaccine na ibinibigay nito sa Pilipinas.

Ito ay matapos makumpirma ng Punong Ehekutibo mula kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na magpapadala ang US ng karagdagang 5-million doses ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Sa Talk to the People ng Pangulo ay pinuri nito ang Washington, na bihirang marinig mula sa kaniya mula nang siya ay maupo sa kapangyarihan.

Noong nakaraang buwan ay nakipagkita ang national security adviser ni US President Joe Biden, na si Jake Sullivan kina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin at Defense Secretary Delfin Lorenzana nang sila’y bumisita sa Washington para markahan ang 70th anniversary ng Mutual Defense Treaty ng dalawang bansa.

Sa nasabing panahon ay sinabi ni Sullivan na magbabahagi ang Amerika ng karagdagang $11.3-million na halaga ng COVID-19 vaccine assistance sa Pilipinas.

Dahilan ito para tumaas ang kabuoang COVID-19 assistance ng Amerika sa Pilipinas mula nang mag-umpisa ang pandemya sa $37-million.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *