PRRD, hindi dadalo sa ASEAN summit

Inanunsyo ng Palasyo na hindi dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa summit ng mga lider sa Association of Southeast Asian Nations sa Jakarta ngayong weekend.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagamat hindi makaka-attend ang Pangulo ay nakatitiyak naman ito na pupunta doon ang mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs.

Ayon kay Roque, hindi nagpaliwanag ang Pangulo kung bakit hindi ito makakadalo sa ASEAN summit.

Mababatid na base sa ilang sources ng Reuters ay pupunta si United Nations special envoy Christine Schraner Burgener sa Jakarta sa huwebes para makipagpulong sa mga senior members ng Southeast Asian governments upang makahanap ng paraan para mawakasan na ang pagdanak ng dugo at maibalik ang kaayusan sa Myanmar.

Sa isang closed-door meeting ng Security Council noong April 1 ay nagbabala ang UN official na kung hindi magkakaroon ng collective action ang international community para mabaliktad ang nangyaring kudeta, ay hindi na maiiwasan ang pagdanak ng dugo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *