PRRD, intuos na gawing prayoridad ang seafarers, at OFWs sa western vaccine brands

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na gawing prayoridad ang mga Overseas Filipino Workers at ang mga seafarers na nangangailangan na mabakunahan gamit ang mga COVID-19 vaccine na gawa sa Amerika.

Napaulat kasi na meron mga employers ang tumatanggap lamang ng mga empelyado na naturukan ng Western brand ng bakuna.

Ayon sa Pangulo, pwedeng maggrupo ang mga OFWs at seafarers sa mga probinsya para sabay-sabay silang mabakunahan.

Pwede rin anya mag-text o mag-confirm ang mga OFWs at seafarers sa mga doktor, at pagkatapos ay magbibigay na lamang ng go signal si Galvez para sa vaccination nila gamit ang US-made vaccine.

Una nang naiulat ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Pangulo na nire-request ng seafarers at ng mga Pilipinong manggagawa sa abroad na mabakunahan sila sa kanilang mga probinsya gamit ang Western-made brands para maiwasan ang overcrowding sa Metro Manila.

Inihayag naman ni Roque na mas gusto ng seafarers na mabakunahan gamit ang mga brands na otorisado ng European Union tulad ng AstraZeneca, Pfizer, Moderna at Johnson&Johnson dahil sa kawalan ng kasiguraduhan ng kanilang susunod na deployment. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *