PRRD, inutos na gastusin ang savings ng gobyerno noong 2020 sa pandemic response

Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya ng gobyerno na tukuyin ang mga savings nito sa kani-kanilang mga alokasyon sa ilalim ng P4.1-trillion 2020 national budget na pwedeng magamit bilang karagdagang pondo para sa COVID-19 response ng gobyerno.

Nakasaad ito sa ilalim ng Administrative Order (AO) 41 na tumutukoy sa savings bilang mga alokasyon na hindi naging obligated bilang resulta ng completion, final discontinuance, o abandonement of programs, activities, or projects (PAP) na otorisadong mapaglaanan ng appropriation.

Mababasa sa AO 41 na kinakailangan na ang mas malakas na government-wide reponse at recovery measures sa gitna ng pagdami ng COVID-19 cases sa bansa, kabilang na ang iba’t-ibang uri ng socioeconomic relief at assistance sa mga apektado ng pandemya at sa imposition ng mas mahigpit na lebel ng community quarantine.

Ipapasa naman ang ulat para sa mga nasabing portion o balances ng released appropriations, na duly certified ng head of agency at ng budget and finance officers, sa Department of Budget and Management (DBM) sa loob ng 15 araw mula sa panahon ng effectivity ng AO 41 na inisyu ng Pangulo noong May 12.

Bilang basehan ng certified reports na ipapasa ng mga ahensya, ay diditerminahin ng DB< ang halaga na pwedeng maideklara bilang savings sa ilalim ng 2020 national budget.

Ikokonsidera naman ng DBM ang extension ng availability ng appropriations hanggang December 31, 2021 at pati na rin ang mga aktwal na deficiencies ng kahit anong existing item ng appropriation sa pambansang pondo na kailangan ma-augment .

Kung kinakailangan, ay kabilang na rin dito ang items ng appropriation para sa provision ng emergency subsidies sa mga low-income households at sa disadvantaged o displaced workers na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *