PRRD, nakiramay sa pamilya Aquino sa pamamagitan ng isang phone call kina Ballsy, at Kris – Bong Go

Nagpaabot si Pangulong Rodrigo Duterte ng kaniyang pakikiramay sa pamilya ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pamamagitan ng pakikipag-usap nito kina Ballsy Aquino-Crus at sa aktres na si Kris Aquino sa telepono noong gabi ng Huwebes.

Inihayag ito ni Senator Christopher Bong Go sa isang panayam kasama ang mga reporters sa isang event noong Biyernes.

Ayon sa senador, tinawagan ng Pangulo si Ballsy bandang alas-onse ng gabi habang si Kris naman ay bandang alas-11:30 ng gabi.

Ipinunto ni Go na tinanong ng Pangulo sa mga kapatid ni PNOY kung meron siyang pwedeng maitulong.

Sinabi rin ni Go na nakausap niya ang mga kapatid ng yumaong dating pangulo upang makiramay.

Naikwento naman ni Go, na nagsilbing special assistant ng Pangulo noong alkalde pa lang ito ng Davao City, na minsan nang naging magkaibigan sina Aquino at Duterte, at sa katunayan ay sinuportahan pa nila ang pagtakbo ni PNOY noong 2010 presidential elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *