PRRD nilagdaan na ang naturalization bill ni Ateneo center Ange Kouame

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturalization bill ni Ateneo center Ange Kouame.

Dahil dito opisyal nang Filipino citizen si Kouame at pwede nang maging naturalized player para sa Gilas Pilipinas.

Nabatid na unang lumusot sa Kongreso at Senado noong Marso ang naturalization bill ng Ivorian center na si Kouame at Spanish footballer Bienven Marañon na target makapag laro para sa Philippine Football team Azkals.

Ngayong aprubado na ang Philippine citizenship ni Kouame sasailalim pa ito sa ibang proseso tulad ng panunumpa at pagkuha ng Philippine passport bago makapag-laro para sa Gilas.

Nabatid na kasama ang 6’10 center sa ginagawang pagsasanay ng Gilas sa training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang paghahanda sa FIBA Asia qualifiers na gaganapin sa Indonesia sa darating na Agosto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *