PSA dadalhin ang step 2 registration ng National ID sa mga kulungan at iba pang institusyon

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na hindi lang gagawin sa mga registration centers sa bawat bayan ang step 2 registration para sa Philippine Identification System (PhilSys).

Ayon kay Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao, mayroon din umano silang gagawing institutional registration para sa mga nasa unipormadong hanay tulad ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at military personnel.

Maliban sa mga nabanggit ay tutunguhin din aniya ng PSA ang  mga health institution tulad ng malalaking ospital na ang mga empleado ay hindi makalabas at mga kulungan gayundin ang mga orphanages.

Matatandaan na nagsimula noong Lunes, June 7 sa lalawigan ng Camarines Norte ang Step 2 registration para sa National ID.

Ayon sa PSA mula ngayong Hunyo hanggang Disyembre ay bibigyang prioridad ang mga na- assess sa step 1 registration habang ang mga mag- o online ay maghihintay ng schedule na ma- accommodate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *