PSA, dumepensa matapos ang mga reklamo ng pagkadeface ng photos printed national ID cards

Dumepensa ang Philippine National Statistics Authority na dumaan umano ang kanilang mga printed national ID cards sa quality control, matapos matanggap ang ilang mga reklamo ng umano’y pagkabura o pagka-deface ng kanilang photos sa ID.

Pero ayon sa PSA, iniimbestigahan na nila ang umano’y defective National ID cards.

Kaugnay nito, pina-susurender ng ahensya ang physical card para matignan dahil baka umano may portion ng production, na may issue.

Ayon kay Officer in Charge, Deputy National Statistician Philippine Identification System (PhilSys) Registry Office Fred Sollesta, na sa unang quarter sa susunod na taon ay magiging in place na ang replacement procedure nila.

Sa ngayon, habang wala pa umanong replacement na available, maari munang himiling ang mga ito ePhilID o ng digital version ng National ID.

Nabatid na papalo na mahigit 75.5 million Filipinos angnakapagparehistro sa National ID system, habang 27.1 million palang ang naimprintang National ID printed, pero 20.3 palamang ang naidedeliver, habang sa ePhillDs naman, 19 million na ang na-generate at 10.3 million ang naimprinta at naideliver na. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *