PSA, iniulat na bumaba ang teenage pregnancy sa 5.4% noong 2022

Bumaba ang bilang ng teenage pregnancy sa mag Pilipinong may edad 15 hanggang 19 na taong gulang, mula sa 8.6% noong 2017 sa 5.4% noong 2022.

Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA), na sa mga nabuntis, 13.3% ang 19-year-olds, 5.9% ay 18-year-olds, 5.6% ay 17-year-olds, at tanging 1.7% at 1.4% ay may edad 16 at 15.

Dagdag ng PSA, 0.4% sa mga nabuntis ay nakaranas ng pregnancy loss.

Samantala, lumalabas naman sa datos ng PSA na ang teenage pregnancy ay mataas sa rural areas sa 6.1% kumpara sa 4.8% sa urban areas, kung saan naitala sa Northern Mindanao ang pinakamataas na percentage sa 10.9%, sinundan ng Davao Region sa 8.2%, Central Luzon sa 8%, at Caraga sa 7.7%.

Pareho namang nagtala ang Ilocos Region at ang Bicol Region ng lowest percentage sa 2.4%.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *