PSA, magbibigay ng tribute kay Lydia de Vega

Ang buhay ng maalamat na sprint queen na si Lydia de Vega ay ipagdiriwang sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night tatlong linggo mula ngayon sa grand ballroom ng Diamond Hotel.

Ang yumaong track superstar ay mapapabilang sa PSA Hall of Fame bilang pagkilala sa kanyang mga kamangha-manghang tagumpay sa kasaysayan ng track at field ng Pilipinas.

Ang tribute para kay De Vega ay magaganap sa gala night ng PSA sa March 6.

Si De Vega, na dalawang beses na naghari bilang sprint queen ng Asia ay namatay noong Agosto 2022 kasunod ng mahabang pakikipaglaban sa cancer.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *