CAMARINES NORTE – Tiniyak ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may paraan sila para malaman kung nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo ang kanilang mga respondent sa nagpapatuloy na Family Income and Expenditures Survey (FIES).
Ayon kay Camarines Norte PSA Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao, trained umano ang kanilang mga enumerators sa pag- handle ng survey kaya alam ng mga ito kung nagsasabi ng totoo o hindi ang kanilang mga respondents.
May pinagbabasehan aniya ang kanilang mga enumerators sa consistency ng sagot lalao na ngayong mas maganda na ang sistema ng questionares.
Tiniyak din ni Padayao na napupuntahan kahit ang mga malalayong barangay basta ang mga ito ay kasali sa mga identified respondents.
Aniya, may mga stratehiya ang PSA parta masigurong tama ang mga datos na kanilang nakakalap.
Ang FIES ay ang mga datos tungkol sa spending at consumption pattern ng mga pamilya sa sampled barangays.
Mula sa pinakamaliit na kinukunsumo ng isang pamilya na food and non- food gayundin ang mga serbisyo ay inaalam ng mga enumerators.
Ang datos na makukuha sa FIES ang pinagbabasehan ng poverty data na kailangan ng gobyerno para sa pagbalangkas ng mga polisiya.
Nagsimula ang FIES noong Hulyo 8 na tatagal hanggang sa katapusan ng buwan.
