PSA, nakapag-isyu na ng mahigit 15.8 million e-Phil ID cards

Nakapag-isyu na ng mahigit 15.8 million electronic Philippine Identification System identification cards ang Philippine Statistics Authority o PSA.

Ayon sa PSA , nasa 29 million national IDs naman ang kanilang na-imprenta na.

Sa hangaring mapabilis ang pag-iisyu ng ePhilIDs, sinabi ng PSA na nagpatupad ito ng house-to-house distribution strategy at inilunsad ang isang website na nagpapahintulot sa mga rehistradong Filipino na i-download ang PDF copy ng kanilang ePhilID sa kanilang mga mobile device.

Sinabi ni PSA Undersecretary Dennis Mapa, makikipagtulungan sila sa pribadong sektor upang mas mabilis ang digitalization ng National ID matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *