PSA nangangailangan ngayon ng 50 enumerators at 5 team supervisors para sa gagawing Labor Force Survey sa Enero 2022

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na naghahanap ito ngayon ng mga tauhan para sa gagawing Labor Force Survey (LFS) and Family Income and Expenditure Survey (FIES) Visit 2.

Ayon sa ahensiya nangangailangan ito ng 50 enumerators at 5 team supervisors na ide- deploy sa iba’t- ibang lugar sa lalawigan.

Ang qualaifications at requirements ay naka- post sa facebook page ng PSA Camarines Norte.

Maaaring makipag ugnayan ang mga interesado sa opisina ni Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao sa 2nd floor ng LJR Building J. Lukban St dito sa bayan ng Daet.

Ang mga interesado ay mayroong hanggang December 9, 2021 para sa pagsusumite ng application.

Gagawin ang survey mula January 3- 31, 2022.

Layon ng naturang survey na alamin ang employment, unemployment at under employment rate sa rehiyon.

Magiging basehan din ito ng mga policy maker sa gobyerno sa kanilang pagbalangkas ng mga programa sa labor sector

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *