PSA sinusuyod na rin ang mga eskwelahan para sa PhilSys registration

CAMARINES NORTE- Sinusuyod na rin ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang iba’t- ibang eskwelahan sa lalawigan ng Camarines Norte para sa Philippine Identification System (PhilSys) registration.

Ayon kay Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao, nagkakaroon ng registration lalo na sa mga batang sumapit na sa limang taong gulang.

Lahat din umano ng munisipyo sa ngayon ay nagsasagawa ng mobile registration at maging sa iba pang mga lugar tulad ng palengke.

Kaugnay nito ay patuloy na hinihimok ng PSA ang mga hindi pa nakakapagparehistro na samantalahin ang pagkakataon lalo na ang mga mobile registration.

Ayon pa kay Padayao maaari rin umanong makipag ugnayan sa kanilang opisina ang mga LGU para sa pagsasagawa ng mobile registration.

“Sa ngayon po bukod sa mga schools meron na po ulit tayong mga registration, naka enable ulit po yung mga registration natin sa mga munisipyo na kahit po paisa- isa or kung konte lang ang hindi pa nakakapa- register ay pwede pa ring pumunta sa office ng mga local civil registrars natin sa mga iba- ibang munsipyo, at kung sa mga barangay naman po na may malalaman kayo na may mga bagong dating or mga hindi pa nakakasama sa registration ay pwede po kaming tawagan para mabalikan namin,” ani Padayao.

Narito ang 14 na LGU- Based Registration Centers:

Basud                       2F Old Municipal Hall, Poblacion 1, Basud, CN

Capalonga                 GF Municipal Hall, Capalonga CN

Daet (LGU- Based)      GF Municipal Hall, Daet, CN

Daet (PSA Office)        LJR Bldg III, J. Lucban St.,Brgy III, Daet, CN

Daet (Mall Based)       3rd Floor SM City Daet, Vinzons Ave, Lag-on, Daet, CN

San Lorenzo Ruiz        (will operate on July 2022)

Jose Panganiban        GF Municipal Hall, MCRs Office, Jose Panganiban, CN

Labo                          Brgy. Hall, Gumamela, Labo, CN

Mercedes                   GF Municipal Hall, Mercedes, CN

Paracale                    GF Municipal Hall, Paracale, CN

Santa Elena               2F DICT Bldg. Municipal Hall Compound, Sta Elena, CN

San Vicente                GF Municipal Hall, MCRs Office, San Vicente, CN

Talisay                       2F Senior Citizens Bldg, Poblacion, Talisay CN

Vinzons                     2F Old Police Station Bldg., Brgy II, Vinzons, CN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *